Followers

Feb 13, 2011

buhay nga naman


Ito ang unang pagkakataon na ako’y gumamit ng salitang tagalog. Malamang dahil sa mas mailabas ko ang aking nararamdaman.

Sa mga nakakaalam, ako’y nakatira dito sa Sweden halos 4 na taon na at sa apat na taon na yon, isang beses pa lang akong nakapagtrabaho. Ang trabhong yon ay mahigit isang buwan lang pero ako’y masaya at nanalangin na sana masundan.

May mga bagay minsan na kahit anong hirap man ay gagawin mo para sa ikakasaya ng pamilya mo. At my mga bagay na kahit man gustohin mong ibigay, hindi mo maibigay gawa ng hindi mo kaya o di kaya’y wala ka non.

Kaya lang, bakit kahit anong pag porsergi mo na ibigay lahat sa kanila ang mga hinihingi nila para na rin a ikakasiya nila, bakit parang hindi nila napapahalagahan?

Ang hirap no lalo na’t malayo ka, hindi maipaliwanag bakit ganon or ganyan or kung ano nararamdaman mo…

Pero para sa atin na malalayo sa pamilya, kunting text lang, pasasalamat kung my matanggap at kunting pangungumusta sobrang ikakasaya na natin. Kaya lang bakit hindi man lang nila tayo maalala pag wala silang kailangan?

Ganito talaga ang buhay ng mga nasa ibang bansa… Di bale basta masaya pamilya mo, masaya ka na rin.

2 comments:

Fex said...

kala ko ako lang ang may tanong na ganun... pati d ay ka jen... kala kasi ng iba pagnag abroad ka na marami ka nang pera :(

Gin Hansson said...

kaya nga eh...kaya minsan nakakainis man isipin pero kailangan tanggapin..ganyan ang buhay di ba